Isang construction worker ang kinasuhan matapos pagpanain ang isang aso at sunugin ito sa Bulacan. Ayon kay Col. Franklin Estoro, acting Bulacan police director, ang insidente ay natuklasan nang isang concerned citizen na si alias Avelina, na naamoy ang masangsang na amoy sa kaniyang bahay sa Barangay Lias, Marilao noong Biyernes.
Nang lumabas si Avelina upang mag-check, nakita niyang sinusunog ng construction worker na si alias Bryan ang aso gamit ang kahoy. Magkapitbahay sina Avelina at Bryan sa Gaspar Street.
Sinuri ni Avelina ang footage mula sa kaniyang CCTV at nakita niyang binugbog ng suspek ang aso gamit ang kahoy hanggang sa mamatay ito. Agad niyang ipinaalam ang insidente sa barangay peacekeeping action team, na nagdala kay Bryan sa Marilao Police Station.