Naaresto na ang suspek sa pagpatay ng pitong panadero sa Antipolo noong Abril 22. Ayon kay PCol. Felipe Maraggun, direktor ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek ay kasosyo sa negosyo ng mga biktima at isang kamag-anak ng isa sa mga panadero. Inamin ng suspek, alyas “Bogart,” na pinatay niya ang mga biktima matapos marinig ang plano ng kasosyo niyang patayin siya gamit ang unan at ituring itong isang aksidente.
Sinabi ni alyas “Bogart” na nang marinig niyang ilalabas na lang na binangungot siya, kinuha niya ang pagkakataon at kumuha ng kutsilyo. Hindi na siya nag-atubiling pagsasaksakin ang kanyang kasosyo at ang mga trabahador nito. Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon sa motibo ng krimen.
Nahaharap sa pitong counts ng pagpaslang ang suspek, na ngayon ay nasa kustodiya ng Antipolo Police.