
Natagpuang patay ang Filipino-Chinese businessman na si Anson Que at ang kanyang driver sa Rodriguez, Rizal nitong Abril 10, kahit na nakapagbayad na umano sila ng ransom.
Kinumpirma ito ni Teresita Ang-See, isang Filipino-Chinese civic leader, at nanawagan sa publiko na huwag nang i-share ang mga larawan ng mga biktima online.
Sa ulat, matagal na hindi nagsalita ang PNP tungkol sa kaso, pero lumabas din sa huli ang balita.
Ayon sa mga reliable source, sinibak si Elmer Ragay, bagong promote na head ng PNP Anti-Kidnapping Group, dahil sa insidente. Pinalitan siya ni David Poklay, deputy chief ng Criminal Investigation and Detection Group.
Tags: Headline News