Japanese actress na si Ryoko Hirosue ay naaksidente ngayong April 8 ng madaling araw habang nagmamaneho sa highway. Dahil sa car accident, dinala siya sa ospital sa Shizuoka Prefecture, Japan.
Pero habang nasa ospital, si Hirosue ay biglang naging agresibo. Ayon sa ulat, sinaktan niya ang isang nurse—sinipa at kinamot, kaya siya ay agad inaresto ng pulis.
Kinumpirma ito ng R.H. Agency, ang kanyang management company. Sa kanilang statement, sinabi nilang si Ryoko ay sobrang stress at natakot, kaya siya nagpanic at nasaktan ang medical staff nang hindi sinasadya.
Humingi ng paumanhin ang agency sa publiko at sa mga na-involve. Ayon pa sa kanila, ititigil muna ni Hirosue ang kanyang showbiz career habang inaayos ang issue na ito.
Kilala si Ryoko Hirosue bilang isa sa mga sikat na artista sa Japan. Ang nangyari ay ikinagulat ng marami, lalo na’t kilala siyang mabait at professional sa trabaho.