
Tuwing summer, may bagong pakulo ang Universal Studios Japan (USJ), at ngayong 2025, balik na naman ang ONE PIECE Premier Summer. Simula July 1 hanggang October 6, 2025, fans ng anime ay pwedeng ma-experience ang super saya at adventure vibes ng ONE PIECE sa iba't ibang themed attractions.
Isa sa highlights ng event ay ang live stage show kung saan makikita mo ang Luffy at ibang characters sa totoong laban. This year, kasama na rin si Buggy the Clown, isa sa mga Four Emperors, kaya expect mo na super intense ang battle scenes!
Bukod sa show, meron ding Sanji’s Pirate Restaurant sa Lombard’s Landing™. Dito, pwede mong matikman ang sosyal na dishes na gawa mismo ni Sanji habang inaasikaso ka ng mga pirate crew Coser. Perfect ito for fans na gustong mag-chill at feel na VIP.