Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang nanalong tiket ay binili sa A&G Square, Catmon, Cebu, at naglalaman ng winning combination na 23-05-39-11-02-07.
Ang nanalo ay may isang taon para i-claim ang premyo na P19,410,097 sa PCSO main office sa Mandaluyong City.
Bukod sa jackpot winner, 33 players ang nanalo ng P24,000 dahil tama nilang nahulaan ang limang numero sa anim na winning numbers.
1,823 bettors naman ang makakatanggap ng P800 para sa apat na tamang numero, habang 24,750 players ang makakatanggap ng P20 para sa tatlong tamang numero.
Patuloy na hinikayat ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na mag-suporta sa mga gaming products ng ahensya para makatulong sa pagpapalago ng pondo para sa mga health initiatives at iba pang pambansang charity.