
Tatlong bata ang nasawi sa isang sunog na naganap sa Barangay Mambaling, Cebu City noong umaga ng Marso 29.
Kinilala ang mga biktima na sina Sachna Lexy Siaboc (6), Razan Kyle Siaboc (3), at Athena Lexy Siaboc (3), na natagpuang walang buhay sa loob ng kanilang kwarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.