Magtatambal sa unang pagkakataon sina Alden Richards at Julia Barretto para sa Philippine adaptation ng Thai horror-comedy romance movie na ‘Pee Mak’, na orihinal na pinagbidahan ni Mario Maurer.
Ang ‘Pee Mak’ ang highest-grossing Thai movie of all time, kaya inaasahang magiging malaking proyekto ito sa Pilipinas.
Ayon sa PEP.ph, ang Philippine adaptation ay gagawa sa ilalim ng Viva Films at Myriad Entertainment, isang multimedia company na pagmamay-ari ni Alden Richards.
Ang unang pelikula ng Myriad Entertainment, ang ‘OOO (Out of Order)’, ay malapit nang mapanood sa Netflix. Tampok dito sina Alden Richards at Heaven Peralejo.
Ang contract signing para sa proyekto ay naganap kagabi sa pagitan nina Vic del Rosario ng Viva Group of Companies at Alden Richards ng Myriad Entertainment.