Apat na pulis ang nasugatan sa isang barilan sa Guinayangan, Quezon noong Biyernes.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga pulis sina Roy Armillo, Richard Rabe, at Magno Rivera sa Barangay Manggagawa. Pero bigla silang bumunot ng baril, kaya nagkaroon ng engkwentro.
Sina Armillo at Rabe ay may arrest warrant mula sa isang korte sa Ligao City, Albay dahil sa kasong murder. Walang piyansa ang inirekomenda para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
Agad namang dinala sa ospital ang mga nasugatang pulis:
Chief M/Sgts. Crisologo Castillo
Domingo Enraca Jr.
Executive M/Sgt. Alex Maigue
S/Sgt. John James Red
Nagpapatuloy ang manhunt operation laban sa mga suspek, ayon kay Maj. Julio Dogta, hepe ng Guinayangan police.