Nasunog ang MV CASTPHILL XV sa karagatan malapit sa Limbones Island, Nasugbu, Batangas ngayong March 30, 2025.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nag-apoy ang cargo vessel habang nasa biyahe. Agad rumesponde ang BRP Boracay (FPB-2401) at nailigtas ang 7 tripulante, kasama ang kapitan, bandang 4:27 AM.
Dinala ang mga tripulante sa Pier 15, South Harbor, Manila at isinailalim sa medical evaluation ng Coast Guard Medical Dispensary bandang 7:59 AM.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog.
Samantala, tiniyak ni Transport Secretary Vince Dizon ang patuloy na maritime safety efforts ng gobyerno, lalo na sa PCG.
Muling iginiit ng PCG ang kanilang dedikasyon sa kaligtasan ng mga biyahero sa dagat at agarang pagtugon sa mga emergency.