
Isang 7.7 magnitude na lindol ang tumama sa Thailand at Myanmar ngayong Biyernes ng tanghali, ayon sa mga awtoridad. Dahil dito, isang mataas na gusali sa Bangkok ang bumagsak habang ito ay ginagawa pa lamang.
Ayon sa Bangkok police, nangyari ang pagguho malapit sa Chatuchak Market, pero wala pang impormasyon kung ilan ang nasa loob ng gusali nang mangyari ito.
Matapos ang lindol, isang 6.4 magnitude na aftershock ang naramdaman, kaya pinayuhan ang mga tao na manatili sa labas ng mga gusali.
Ayon sa U.S. Geological Survey at GFZ center for geosciences ng Germany, ang lindol ay may lalim na 10 kilometro (6.2 milya) at ang sentro nito ay nasa Myanmar.