Isang 24-anyos na German, si Rami Battikh, ang hirap makahanap ng trabaho matapos gamitin ng isang kriminal ang kanyang identity sa London.
Nawala ang kanyang passport at German ID noong 2019. Noong 2021, isang lalaki sa UK ang gumamit ng kanyang identidad at nakulong sa kasong fraud, illegal driving, at paggamit ng pekeng ID. Dahil dito, may criminal record si Battikh kahit wala siyang kasalanan.
Sinubukan niyang linisin ang kanyang pangalan gamit ang passport stamps, DNA, at fingerprints, pero nananatili ang record.