Patuloy na magagamit ang EDSA Busway sa kabila ng road repairs at construction sa EDSA, ayon sa DOTr at MMDA. Tiniyak nilang hindi maaapektuhan ang operasyon ng busway upang mapanatili ang mabilis at abot-kayang transportasyon.
Bagamat posibleng lumala ang trapiko, magkakaroon ng traffic enforcers, rerouting, at bus schedule adjustments para mapanatili ang kaayusan.