
Nadiskubre ng Bureau of Immigration (BI) na may mga dayuhan sa Mindanao na gumagamit ng pekeng Filipino identity para sa ilegal na negosyo at trabaho.
Sa Digos City, Davao del Sur, inaresto noong Marso 20 si Bangdie Pan, isang 50-anyos na Chinese national, na ilegal na nagpapatakbo ng isang hardware store gamit ang pinekeng dokumento.
Sa M'lang, North Cotabato, apat pang Chinese nationals ang inaresto noong Marso 24 matapos madiskubreng nagtatrabaho nang ilegal sa isang chemical plant. Isa sa kanila, si Dezhen Liu, ay nagpanggap bilang Filipino citizen gamit ang pekeng birth certificate.
Ayon sa BI, maaaring gamitin ang pinekeng dokumento para sa masamang layunin, kaya’t isinampa na ang deportation cases laban sa mga nahuling dayuhan.
Tags: Headline News