
Isang babaeng estudyante ang sinaksak sa loob ng Moonwalk National High School sa Brgy. Moonwalk, Parañaque City ngayong Miyerkules ng tanghali (Marso 26).
Sa ngayon, hindi pa malinaw ang kalagayan ng biktima. Agad namang rumesponde ang kapulisan at iba pang awtoridad para imbestigahan ang insidente.