Isang malungkot na balita para sa Hollywood—Cindyana Santangelo, ang tinaguriang "Latin Marilyn Monroe", ay pumanaw noong Marso 24 sa edad na 58.
Ayon sa mga ulat, bandang 7:15 PM (local time), tumanggap ng tawag ang mga awtoridad at agad siyang dinala sa ospital, ngunit hindi na siya naisalba. Walang bakas ng foul play, ngunit ilang araw bago siya pumanaw, nagpa-cosmetic procedure umano siya sa kanyang bahay. Hindi pa tiyak kung may kinalaman ito sa kanyang pagkamatay—inaantay pa ang opisyal na autopsy report.
Si Santangelo ay sikat na artista na lumabas sa maraming TV shows tulad ng Crime Scene: Miami at ER. Naging bahagi rin siya ng pelikulang Hollywood Homicide kasama si Harrison Ford.
Matapos kumalat ang balita ng kanyang biglaang pagpanaw, maraming tagahanga ang nagpahayag ng kanilang pagdadalamhati sa kanyang social media. Isang malapit na kaibigan ang nagbahagi ng kanilang mga litrato at emosyonal na sinabi, "Hindi pa rin ako makapaniwala."