MANILA – Arestado na ang isa sa mga itinuturong suspek sa 2018 high-profile murder ng negosyanteng si Dominic Sytin, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Ang suspek ay kinilalang si Edrian Rementilla, na gumagamit din ng mga pangalang Ryan Rementilla at Oliver Fuentes. Nahuli siya sa Buhanginan Hills, Pala-o, Iligan City noong Marso 22, bandang 10:30 p.m.
Ayon kay BGen. Jean Fajardo, Central Luzon police chief, may arrest warrant laban kay Rementilla mula sa isang Manila court, kung saan walang piyansa ang kanyang kaso. Mahigit 6 na taon siyang nagtago sa pamamagitan ng palipat-lipat ng tirahan upang umiwas sa mga awtoridad.
"You can run, but you can never truly hide," ani Fajardo, na nagsabing walang takas ang mga kriminal at ang batas ay laging makakahanap sa kanila kahit gaano pa sila katagal magtago. Sinabi rin niyang ang pag-aresto kay Rementilla ay patunay na laging mananaig ang hustisya sa tamang panahon.
Matapos ang pag-aresto, inilipat si Rementilla sa Central Luzon police headquarters sa Camp Olivas, San Fernando, Pampanga. Doon siya haharap sa arraignment at pre-trial para sa mga kasong murder at frustrated murder.