Isang motorcyclist ang natagpuang patay matapos mahulog sa isang malaking sinkhole sa Seoul, South Korea.
Ang sinkhole, may sukat na 65 talampakan ang lapad at 65 talampakan ang lalim, ay bumukas sa isang intersection sa Myeongil-dong noong Lunes ng hapon. Nakuha ng rescue team ang katawan ng lalaking nasa 30s bago magtanghali noong Martes, ayon kay Kim Chang Seob, isang emergency officer.
Dahil maraming tubig, lupa, at debris, inabot ng halos 18 oras bago siya matagpuan. Gumamit ang rescuers ng excavator, pala, at iba pang kagamitan sa paghuhukay.