Isang babae sa Parañaque ang hinoldap habang kumakain ng burger bandang alas-2 ng umaga. Ang suspek ay may kasaysayan ng paulit-ulit na pagkakakulong. Nakuhanan ng CCTV ang insidente kung saan makikita ang babae na kumakain mag-isa sa isang burger stand. Lumapit ang isang lalaki, naglabas ng patalim, at tinutok ito sa tagiliran ng biktima. Dahil sa takot, ibinigay ng babae ang kanyang bag na naglalaman ng alahas na bigay ng kanilang ina, dalawang cellphone, at humigit-kumulang ₱3,000.