
Nagpaalala ang National Meat Inspection Service (NMIS) na laging suriin ang binibiling karne matapos madiskubre ang tambak na expired meat sa Bulacan.
Nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Marso 12 ang P600 milyon halaga ng expired meat sa isang cold storage sa Meycauayan.
Hinala ng NBI, nire-reprocess ang karne para ibenta sa malalaking pamilihan bilang siomai, hotdog, at iba pang processed food.
Pinabulaanan naman ng legal counsel ng kumpanya ang mga paratang.