
Pinanatili ng Supreme Court ang life imprisonment kina Peter Scully at Carme Ann Alvarez dahil sa pag-recruit ng dalawang minors para sa sexual acts noong 2014. Sa desisyon ng 2nd Division na inilabas noong Nobyembre 26, 2024, kinumpirma ng korte ang hatol mula sa Regional Trial Court at Court of Appeals.
Ipinahayag ng korte na inabuso nina Scully at Alvarez ang dalawang batang babae, na edad 9 at 12, at kinunan pa ang kanilang mga gawain gamit ang laptop. Ipinaliwanag nila na hindi ito trafficking dahil para lang daw ito sa sarili nilang gusto, pero sinabi ng korte na present ang lahat ng elemento ng qualified trafficking—lalo na ang proseso ng recruitment kahit walang pahintulot ng biktima.