
Isang 30-taong gulang na babaeng vlogger mula sa Oslob, Cebu ang nahuli ng NBI CEVRO noong Marso 20. Ayon kay Renan Agustus Oliva, direktor ng NBI-7, si Wendelyn Magalso ay nag-upload ng post sa social media na may maling impormasyon tungkol sa pag-legal ng illegal drugs at ginamit ang pangalan ni President Marcos.
Sa post, sabi niya na “Legal na daw ang druga,” na in-claim niya na may suporta si Marcos. May kasunod na mensahe na di related sa unang caption, at isang post mula sa TV5 ang na-edit para idagdag ang pahayag na “Gumawa tayo ng batas na gawing legal ang druga.” Dahil dito, agad na nag-cyber patrol ang NBI at nahuli si Magalso.