
Isang malaking sunog ang sumiklab ngayong Lunes ng umaga sa isang junk shop at residential area sa Barangay Namayan, Mandaluyong City. Sa kasamaang-palad, isang 3-anyos na bata ang nasawi sa insidente.
Ayon sa ulat, nagsimula ang apoy sa isang litsunan at mabilis na kumalat sa katabing junk shop at mga bahay sa paligid. Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang sunog upang maiwasan ang pagkalat nito sa iba pang establisimyento.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog, habang patuloy na mino-monitor ang sitwasyon ng mga naapektuhang residente.