
Arestado ng mga awtoridad noong Miyerkules sa Grande Island, Subic Bay ang 6 na dayuhan at 2 Pilipino dahil sa hinalang espiya at kidnapping activities.
Ayon sa Department of National Defense (DND), unang inaresto ang Chinese national na si Ye Tianwu dahil sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012. Kasama rin sa mga nahuli sina Xu Xining, Ye Xiaocan, Su Anlong, He Peng, Ang Deck/Dick (isang Cambodian), at mga Pilipinong sina Melvin Mañosa Aguillon, Jr. at Jeffrey Espiridion.
Nakuha sa kanila ang ilang cellphones, laptops, isang 9mm firearm, at 16 na bala.