
Naglaan ng P300 milyon ang PAGCOR para sa pagpapaganda ng pasilidad at pagsasanay ng mga kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Sa ika-45 na PNPA Alumni Homecoming sa Silang, Cavite, binigyang-diin ni PAGCOR Chairperson Alejandro Tengco na mahalaga ang makabagong teknolohiya at pasilidad upang mas epektibong labanan ang krimen.
Ayon kay Tengco, gagamitin ang pondo para sa:
- Pagtatayo ng PNPA Alumni Association Building
- Pag-upgrade ng Crime Scene Plaza para sa forensic training
- Paggamit ng firearms training simulators
- Pagkuha ng crime mapping at cybercrime investigation software
- Paghahatid ng patient transport vehicle na may kumpletong medical equipment
Bukod dito, nagbigay rin ang PAGCOR ng P2.2 milyon para sa isang service vehicle at 100 tablets na magagamit ng mga kadete sa kanilang pag-aaral.
Nagpasalamat naman si Usec. Gilbert Cruz ng Presidential Anti-Organized Crime Commission sa malaking tulong ng PAGCOR sa pag-unlad ng PNPA.