
Isang junkshop sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City ang nasunog noong Lunes ng madaling araw. Tinatayang nasa P40 milyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng insidente.
Ayon sa barangay, karamihan sa laman ng junkshop ay mga plastic at karton, na madaling masunog.
"Wala namang nadamay na residente dahil agad itong napalibutan ng mga bumbero," ayon kay Kagawad Alfredo Enano. Dagdag pa niya, matagal nang nakatayo ang junkshop mula pa noong 2013.
Bukod sa junkshop, nasunog rin ang:
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), idineklarang "fire under control" ang sunog bandang 5:21 AM matapos ang mahigit tatlong oras na pag-apula ng apoy.
Sinabi ni Fire Superintendent Melchor Isidro, City Fire Marshal ng BFP Taguig, na nahirapan ang mga bumbero dahil sa makapal na usok mula sa mga nasusunog na light materials tulad ng karton, plastic, at plywood.
Kinailangan ding gumamit ng SCBA (self-contained breathing apparatus) ang ilang bumbero dahil sa kapal ng usok.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog kung saan 23 firetrucks ang rumesponde.
Masuwerte namang walang nasaktan o nasawi sa insidente.
Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog.