Nahuli ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Makati City ang isang babaeng miyembro ng "Luffy" gang na pinaniniwalaang sangkot sa panloloko at pangingikil.
Ayon sa BI, nahuli ng kanilang Fugitive Search Unit si Natsuki Kimura sa Ayala Avenue noong Biyernes.
Si Kimura, 33 taong gulang, ay pinaghihinalaang telephone operator para sa mga international scamming operations ng Luffy gang. Mayroon siyang warrant of arrest para sa kasong pagnanakaw na inisyu ng isang summary court sa Tokyo.

"Tulad ng iba niyang kasabwat sa sindikato, siya ay ide-deport, i-blacklist, at ipagbabawal nang makapasok muli sa Pilipinas," sabi ni Viado.