STA. CRUZ, LAGUNA – Isang malungkot na balita ang bumalot sa Laguna State Polytechnic University (LSPU) Sta. Cruz Main Campus matapos masunog ang College of Teacher Education at College of Arts and Sciences kaninang bandang 12:50 PM.
Agad namang rumesponde ang mga bumbero at nai-declare na fire out bago mag-7 PM.
Habang iniimbestigahan pa ang insidente, natagpuan ang katawan ng isang babae sa comfort room ng CAS Building. Kinumpirma ng mga awtoridad kasama ang pamilya ng biktima na siya ay si Trisha Macalagay, ang Miss Laguna Tourism Paete 2022.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga opisyal ang sanhi ng sunog at iba pang mahalagang detalye tungkol sa pangyayari.