
Ayon sa ulat ng mga human rights groups, hindi bababa sa 122 bata ang napatay sa kampanya kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte mula Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2019.
Sa ulat na pinamagatang "How Could They Do This To My Child?", sinabi ng World Organization Against Torture (OMCT) at Children’s Legal Rights and Development Center (CLRDC) na karamihan sa mga pagpatay ay sinadya at “hindi lang basta aksidente” gaya ng sinabi ng ilang opisyal ng gobyerno.
Natuklasan sa imbestigasyon na sa 47 kaso, napatay ang mga bata sa mga police operations, habang sa 75 kaso, mga hindi kilalang tao ang pumatay — na ayon sa ilang saksi ay may kaugnayan sa pulis.
Ang mga batang may edad 1 hanggang 17 taong gulang ay napatay sa apat na paraan:
- Direct target – mga batang sadyang pinuntirya
- Proxies – pinatay bilang ganti sa ibang tao
- Mistaken identity – mga batang napagkamalan
- Collateral damage – nadamay sa operasyon
Ayon sa datos, 97 bata ang napatay sa Luzon, 14 sa Visayas, at 11 sa Mindanao.
OMCT at CLRDC ay nanawagan na itigil na ang karahasang ito at gumamit ng mas ligtas na paraan batay sa human rights at public health.
Ayon kay Gerald Staberock, Secretary General ng OMCT, ang kawalan ng hustisya ay nagpapalala sa siklo ng karahasan na nagdulot ng mga pagpatay, pati na rin sa mga bata.