
Ayon sa pulisya, isinilid ng suspek ang iligal na droga sa isang malaking tea bag na may tatak na "Refined Chinese Tea," isang teknik na madalas ginagamit ng mga sindikato para maitago ang droga at makalusot sa mga awtoridad.
Bukod sa shabu, nasamsam din ang isang Toyota Vios, isang cellphone, at ang pera na ginamit ng mga pulis sa operasyon.
Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa droga sa ilalim ng programa ng Philippine National Police (PNP) para labanan ang paglaganap ng iligal na droga sa bansa.
Pinuri ni Parañaque Police Chief Colonel Renato Ocampo ang kanyang mga tauhan sa mabilis at maingat na pagsasagawa ng operasyon, na aniya ay nagresulta sa pagkakaaresto ng isang malaking personalidad sa kalakaran ng droga.
Samantala, pinaalalahanan ng pulisya ang publiko na maging mapagmatyag at agad na i-report sa mga awtoridad kung may mapapansing kahina-hinalang aktibidad sa kanilang komunidad upang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Kasalukuyang nakakulong si Ibrahim sa Parañaque City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.