Isang batang nasa edad 4-5 taong gulang ang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng C3 Mall sa Pagadian City ngayong tanghali.
Ayon sa inisyal na ulat, lumusot umano ang bata sa grills ng mall, dahilan ng kanyang pagbagsak sa isang estante ng beauty product stall. Sa lakas ng impact, nagkaroon ito ng matinding pinsala at nagdugo ang kanyang ilong.
Agad siyang dinala sa pinakamalapit na ospital para sa agarang lunas. Samantala, patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang buong detalye ng insidente upang maiwasan ang ganitong pangyayari sa hinaharap.