Isang 69-anyos na pasahero, si Ruth Adel, ang nagreklamo matapos umanong subukan siyang biktimahin ng “tanim-bala” modus sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) Terminal 3. Ayon sa kanyang Facebook post, noong Marso 6, habang nasa boarding gate na sila para sa flight papuntang Vietnam, lumapit ang mga taga-Office of Transport Security (OTS) ng Department of Transportation (DOTr) at sinabing may "anting-anting" o bala sa kanyang bag.
Nang tanungin ni Adel kung ano ang ibig sabihin nito, natatawang sinabi ng isang security officer na may "bala shell" sa kanyang gamit. Inakala niyang biro lamang ito, pero nang iginiit niyang buksan ang kanyang bag, pinapunta siya sa opisina ng OTS. Tumanggi siya at ang kanyang pamilya dahil nagsimula na ang boarding ng kanilang flight. Kalaunan, sinabi ng supervisor ng OTS na wala sa luggage kundi nasa handbag ni Adel ang bala, kasabay ng pagpapakita ng isang X-ray scan bilang ebidensya.

Napansin ni Adel na hindi tugma ang bag sa larawan at lalong naguluhan sa hindi magkakatugmang pahayag ng mga opisyal. Nang walang makitang bala sa kanyang gamit, bigla na lang tumalikod ang mga security personnel at sinabing bawal silang kunan ng video. Ayon kay Adel, tila wala silang pakialam sa kanyang nararamdaman at parang hindi nila alintana ang abalang dulot nito sa kanya at sa iba pang pasahero.
Matatandaang unang sumikat ang "tanim-bala" modus noong 2012, kung saan hinihingan ng pera ang mga biktima kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso. Noong 2016, nag-utos si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kumpiskahin na lang ang mga natatagpuang bala at hayaang makabiyahe ang pasahero. Gayunpaman, nitong Marso 2023, muling may naitalang kaso kung saan isang Thailand-bound na babae ang sinasabing nakitaan ng bala sa kanyang bag.
Dahil sa bagong pamunuan ng Naia, maraming umaasang mawawala na ang ganitong klase ng modus. Pero sa reklamo ni Adel, mukhang nananatili pa rin ang mga lumang raket sa paliparan. Magkakaroon kaya ng imbestigasyon upang matigil na ang ganitong mga pangyayari?