
Siyam na Indonesians na dating nagtatrabaho sa POGO hubs sa Pilipinas ang sumuko sa gobyerno noong Biyernes para sa mabilis na repatriation.
Ayon kay Gilbert Cruz, executive director ng PAOCC, nagpunta ang 7 lalaki at 2 babae sa kanilang pasilidad sa Pasay City para humingi ng tulong.
Inamin ng mga dayuhan na nagtrabaho sila sa POGO operations na may kinalaman sa online betting at scams. Wala silang naranasang physical abuse, ngunit hindi raw sila nababayaran nang buo kung hindi nila naaabot ang quota ng kanilang employer.
Tinawag ito ni Cruz na isang labor trafficking case, kung saan sinamantala ang kahirapan ng mga manggagawa.
Ang PAOCC ay humiling na sa Bureau of Immigration para mapabilis ang kanilang pag-uwi sa Indonesia.