
Apat ang nasawi matapos masunog ang ilang bahay sa Marikina at Tondo, Manila kahapon.
Sa Marikina, natagpuan ng mga bumbero ang labi ng dalawang babaeng edad 18 at 23 at isang lalaking edad 55 matapos maapula ang sunog 8:44 a.m.
Tatlong tao, kabilang ang isang 4-anyos na bata, ang ginamot dahil sa first-degree burns at mga gasgas.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Barangay Concepcion Uno pasado 8 a.m.
Nasira ang 8 bahay, at naapektuhan ang 13 pamilya o 80 katao.
Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog, na nagdulot ng P100,000 halaga ng pinsala.
Mayor Marcelino Teodoro inatasan ang city social welfare na tulungan ang mga naapektuhan, na pansamantalang nanunuluyan sa evacuation site.
Rumesponde ang 18 firetrucks at 4 ambulansya.
Sa Tondo, Manila, isang 83-anyos na babae ang namatay matapos ma-trap sa bahay na nasunog.
Natagpuan ang kanyang labi matapos ang mopping-up operation ng mga bumbero.
Walong pamilya ang nawalan ng tirahan, ayon sa BFP.