
Isang sunog ang sumiklab sa isang commercial area sa Carvajal Street, Binondo, Manila ngayong Miyerkules. Dahil sa lakas ng apoy, itinaas ito sa second alarm, kaya agad rumesponde ang mga bumbero upang maapula ang sunog at maiwasan ang pagkalat nito sa mga kalapit na establisyemento.
Patuloy ang ginawang pag-apula ng apoy ng iba't ibang fire volunteer groups at emergency responders. Mabilis nilang kinontrol ang sitwasyon upang maiwasan ang mas malaking pinsala sa mga negosyo sa lugar.
Idineklarang fire out ang sunog bandang 7:02 AM, ayon sa mga awtoridad. Wala pang inilalabas na opisyal na ulat tungkol sa sanhi ng sunog at kung may nasugatan sa insidente. (Mga larawan mula sa Divisoria Fil-Chi Volunteer Firefighter Association Inc./Fire and Rescue Alert Responders)