
Matagal nang sanay sa baha ang mga residente ng Barangay Lawa, Obando, Bulacan dahil sa paglubog ng lupa at patuloy na pag-ulan dulot ng habagat at bagyo.


Ayon sa mga lokal, kahit bago pa dumaan ang malakas na Bagyong Ondoy, nakaranas na sila ng matinding pagbaha dahil sa iba pang masamang panahon.

Iniulat ng lokal na gobyerno na tumataas ng isang sentimetro kada taon ang tubig sa kanilang lugar. Buti na lang at protektado sila ng dike kaya hindi pa lumalala ang pagbaha.

Samantala, sinabi ng World Health Organization Regional Office for Europe na tumaas ng 400% ang mga matinding kalamidad dahil sa climate change. Nanawagan din ito ng sama-samang aksyon upang harapin ang climate crisis at ang epekto nito sa kalusugan.