
Dalawang tao ang nasawi sa isang insidente ng pamamaril sa Vigan, Ilocos Sur noong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa Barangay VIII.
Kinilala ang isa sa mga biktima na si Robert Apanay, 29, na agad namatay sa pinangyarihan ng krimen. Ang kasama niyang si Audrey ay isinugod pa sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang sagutan sa pagitan ni Apanay at ng suspek na si Jayson Oriente, 30. Nauwi ang kanilang pagtatalo sa pamamaril, na ikinasawi ng dalawang biktima.
Hanggang ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang tunay na dahilan ng kanilang alitan. Wala pang opisyal na pahayag mula sa mga awtoridad tungkol sa motibo ng krimen.
Hanggang ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang tunay na dahilan ng kanilang alitan. Wala pang opisyal na pahayag mula sa mga awtoridad tungkol sa motibo ng krimen.

Patuloy ang panawagan sa mga saksi na lumantad at magbigay ng impormasyon upang matulungan ang mga awtoridad sa imbestigasyon.