
Isang lalaki mula Colombia ang nahuli matapos subukang magpuslit ng droga gamit ang kanyang pekeng buhok. Ayon sa pulisya, itinago niya ang 19 kapsula ng cocaine sa ilalim ng kanyang wig, ngunit agad siyang natunton gamit ang scanner at body search.
Natuklasan na may 220 gramo ng cocaine sa kanyang wig na plano niyang dalhin papuntang Amsterdam. Tinatayang aabot sa 34 milyong piso ang halaga nito sa Europa. Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad at posibleng maharap sa kasong drug possession at smuggling.
Samantala, sa Romania, nahuli ang isang French drug lord na si Amra, na tumakas matapos iligtas ng kanyang mga kasabwat mula sa kulungan noong 2023. Sa operasyon noon, dalawang prison guards ang napatay, kaya’t lubos na naging kontrobersyal ang kanyang pagtakas.
Ayon sa French Justice Minister, kasalukuyang may 24 iba pang taong nakakulong kaugnay ng kasong ito, at nais nilang mapanagot ang buong sindikato. Si Amra ay iniimbestigahan sa Romania at inaasahang ibabalik sa France para humarap sa paglilitis sa loob ng isang buwan.