Isang ilegal na POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) ang nadiskubre sa basement ng isang hotel sa Pasay matapos ang isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad nitong Lunes ng hapon.
Ayon sa utos ng operasyon, pumasok sa basement ng hotel ang mga ahente mula sa PAOCC, BI, at CIDG at natagpuan ang anim na Koreanong gumagamit ng desktop computers na sinasabing konektado sa online gambling.
Patuloy pang iniimbestigahan kung ilan pang Pilipino ang posibleng naaresto sa lugar.
Ayon sa isang Pilipinang empleyado na nadiskubre sa basement, ang tanging trabaho niya ay mag-copy-paste sa computer. Baguhan pa lamang siya sa trabaho at isang buwan pa lang doon nagtatrabaho.
Sinabi ni Usec Gilbert Cruz ng PAOCC na bilyun-bilyong piso ang pumapasok sa operasyon ng nasabing POGO.
Sa ngayon, wala pang pahayag mula sa pamunuan ng hotel tungkol sa insidente.