
Nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang Pilipina mula sa isang drug ring sa Malaysia. Tinutugis ngayon ang mga miyembro ng grupo na nag-ooperate sa Pilipinas.
Ayon sa NBI, ang mga biktima ay na-recruit ng African drug ring na target ang mga Pilipinong may pinansyal na suliranin at mahusay sa Ingles.
Inalok ang mga biktima ng libreng biyahe sa Malaysia at Hong Kong, kasama ang pangakong $5,000 kapalit ng pagdadala ng mga package sa pagitan ng dalawang lugar. Sinabi ng grupo na ang mga parsela ay naglalaman ng lehitimong produktong Malaysian na inorder ng mga negosyante sa Hong Kong.
Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na nagsimula ang operasyon noong Enero nang ma-intercept ang isang Pilipinang drug mule. Ito ang naging daan sa pagsisiyasat na nagbunyag ng koneksyon ng grupo sa drug at human trafficking gamit ang mga Pilipinong courier.
Noong Peb. 4, nagsagawa ng Operation “Chiribaya” sa Klang Valley, Malaysia ang Royal Malaysia Police’s Narcotics Crime Investigation Department (NCID) kasama ang US Drug Enforcement Administration, NBI, at iba pang awtoridad sa Malaysia.
Naaresto ang isang babaeng suspek mula Sierra Leone at ilang miyembro ng African drug ring. Nasamsam ang 2.3 kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P15 milyon, itinago gamit ang black carbon paper at brown coating upang maiwasang matukoy.
Bago pa man mailipat ng mga biktima ang droga sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ang NBI sa Philippine embassy sa Malaysia at NCID upang masiguro ang kanilang kaligtasan. Na-repatriate ang mga biktima noong Peb. 5, na nakaiwas sa posibleng kasong may kaugnayan sa droga sa Malaysia.
Matapos ang operasyon, inilunsad ng NBI ang mga hakbang para kilalanin at hulihin ang mga miyembro ng drug ring at mga recruiter nito sa Pilipinas.
Gr888 propuesta.
Hemos visto tu negocio y creemos que tiene mucho potencial.
Publicaremos tu empresa en más de 60 periódicos digitales de alta autoridad, lo que mejorará tu reputación, y posicionará tu web en las primeras posiciones de Internet. Así, cuando los clientes busquen información sobre ti, verán que tu empresa es conocida y confiarán más en ella.
Además, queremos ofrecerte dos meses gratuitos para que pruebes el impacto sin compromiso.
¿Podrías facilitarme un número de teléfono para comentarte los detalles?
Quedo pendiente de tu respuesta.
PD: Si prefieres no recibir más información, responde con “No estoy interesado” y no volveremos a contactarte.