Kasalukuyang binabatikos si Nadine Lustre dahil sa pag-promote ng isang online casino. Sa kanyang pinakahuling Facebook post, makikita ang aktres na inindorso ng naturang online gambling platform, na ikinadismaya ng maraming netizens. Ayon sa kanila, tila hindi na angkop sa imahe ni Nadine ang pagsuporta sa sugal, lalo na’t marami siyang kabataang tagahanga.
Ilan sa mga netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya:
- "Nadine, this is not you. Ang daming kabataan ang tinitingala ka."
- "Nakakadismaya. Akala ko role model ka."
- "What a downgrade. Iba na talaga ngayon."
Ang ilan naman ay kinantiyawan ang aktres, sinasabing posibleng ginagawa niya ito dahil sa pangangailangan sa pera. May mga komento tulad ng:
- "The bills can’t be that bad."
- "Hindi na siguro kayang bayaran ang renta kaya tanggap na lang ng tanggap."
Noong Setyembre pa inanunsyo ang pagiging endorser ni Nadine ng naturang online casino, ngunit hanggang ngayon, mainit pa rin ang reaksyon ng publiko. Ayon sa ilang taga suporta, ang endorsement ni Nadine ay personal niyang desisyon, at nasa tao pa rin ang responsibilidad kung pipiliin nilang magsugal o hindi.
May mga fans din ang nagtanggol sa kanya, sinasabing:
- "Hindi naman siya ang nag didikta sa tao kung magsusugal sila."
- "Trabaho lang ito, at hindi naman siya ang may kasalanan kung may pumili ng maling landas."
Sa kabila ng kaliwat kanang batikos, nananatili pa ring tahimik si Nadine tungkol sa isyung ito. Ang tanong ng marami ngayon ay kung babasagin ba niya ang kanyang katahimikan upang magbigay-linaw sa mga fans at netizens na nadismaya sa kanyang desisyon.