Sa kabila ng malaking tapyas na ito, nagpasalamat si Pangalawang Pangulo Sara Duterte sa Senado sa pag-apruba sa P733.2 milyong pondo para sa kanyang tanggapan, matapos sundin ng Senado ang desisyon ng House of Representatives na bawasan ang orihinal na panukalang P2.037 bilyon.
Dumalo si Duterte sa plenary hearing at nakipagkamay sa mga senador bago ang pag-apruba sa kanyang nabawasang budget. Isang kaalyado niya, si Sen. Bong Go, ay nanawagan sa mga senador na ibalik ang mga pondo ng OVP para sa social assistance upang matulungan ang mga mahihirap. Sinabi ni Go na hindi dapat mawalan ng pondo ang OVP para sa mga serbisyong panlipunan dahil may mga programang nakalaan para dito.
Isa pang kaalyado, si Sen. Ronald dela Rosa, ang nagmungkahi na aprubahan ang nabawasang pondo, na sinuportahan naman ni Sen. Cynthia Villar. Ayon kay Sen. Grace Poe, ang sponsor ng budget at chair ng finance committee, may pagkakataon pa si Go na muling ipanukala ang pagbalik ng mga pondo ng social welfare ng OVP sa panahon ng mga amyenda.
Sa isang press briefing pagkatapos ng sesyon, sinabi ni Duterte na ipinaubaya na niya sa Senado ang desisyon kung ibabalik nang buo o bahagi lamang ang P1.3-bilyong nabawas sa pondo. “Nagpapasalamat kami sa Senado sa pagtugon at pag-aksyon sa aming budget,” ani Duterte. ksyon sa aming budget,” ani Duterte.