Dalawang buwan bago koronahan ang bagong Miss Universe, inanunsyo ng mga organizer kung paano siya pipiliin, pati na ang iba pang mga pagbabago kaugnay sa kompetisyon, sa isang press conference na ginanap sa Mexico City noong Setyembre 4 (Setyembre 5 sa Maynila).
Kinumpirma ng Miss Universe Organization (MUO) na may 130 bansa at teritoryo ang magpapadala ng mga delegado para sa ika-73 edisyon ng internasyonal na kompetisyon. Gaganapin ang pageant sa Mexico, at bibisitahin ng mga delegado ang iba’t ibang destinasyon sa Mexico.
Upang matugunan ang pinakamalaking bilang ng mga delegado ngayong taon, magkakaroon ang kompetisyon ng pinakamalaking entablado sa kasaysayan ng global tilt. Magkakaroon din ng bagong Miss Universe song na ilalabas sa 2024 na paligsahan. Maaaring maalala na may Miss Universe theme song na ginamit noong mga unang taon ng pageant.
Kinatawan ng Pilipinas si Chelsea Manalo, isang modelo at graduate ng tourism management, na susubukang magbigay ng panibagong kwento para sa mga Pilipinong kalahok sa Miss Universe pageant na gaganapin sa Mexico. Sa apat na naunang pag hohost ng Mexico noong 1978, 1989, 1993, at 2007, hindi nakapasok ang mga kinatawan ng Pilipinas sa unang cut.
Layunin ni Manalo na maging ikalimang Miss Universe mula sa Pilipinas, kasunod nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018). Ang kinatawan noong nakaraang taon, si Michelle Marquez Dee, ay nakapasok sa Top 10, nakatanggap ng "Spirit of Carnival" award, naging isa sa tatlong “gold finalists” sa "Voice for Change" initiative, at nanguna sa online popularity poll at sa voting para sa national costume.