Excited ka bang maging K-pop superstar? Ito na ang chance mo! Magkakaroon ng auditions ang YG Entertainment, ang kompanya sa likod ng mga sikat na grupo tulad ng BIGBANG, BLACKPINK, at 2NE1, dito sa Pilipinas.
Inanunsyo ng YG sa kanilang Facebook page noong Lunes na magaganap ang auditions sa ZERØ Studio sa Quezon City ngayong Nobyembre 24. Bukas ang auditions para sa mga ipinanganak mula 2006 hanggang 2013.
Puwedeng pumili ang mga participants ng isang kategorya lang na ia-auditionan: vocal, rap, dance, o appearance.
Para sa mga interesado, puwede nang mag pre-register sa YG Audition website hanggang Nobyembre 10. Pagkatapos nito, ang mga mapipiling aplikante ay makakatanggap ng confirmation email para sa susunod na round, na ipadadala sa Nobyembre 20.
Ang YG Entertainment, na itinatag ng dating miyembro ng Seo Taiji and Boys na si Yang Hyun-suk, ay kilala sa pag-produce ng mga successful acts tulad ng Akdong Musician, Winner, Treasure, at Babymonster.
Para sa iba pang updates tungkol sa K-pop, K-drama, at K-stars, bisitahin ang Hallyu Corner microsite.