Dinoble na ng Department of Education (DepEd) ang vacation service credits o leave credits ng mga public school teachers mula 15 hanggang 30 araw. Ito ay magbibigay sa kanila ng pagkakataon na i-offset ang mga absences o mabawi ang mga salary deductions habang naka-vacation.
Nilagdaan ni Education Secretary Sonny Angara ang DepEd Order No. 013 series of 2024 noong Setyembre 18, at magkakabisa ito 15 araw matapos mailathala. Sakop nito ang lahat ng public school teachers, kabilang ang mga mobile teachers, anuman ang kanilang appointment status.
Ang mga guro na may isang taon nang serbisyo, at mga na-hire apat na buwan matapos magsimula ang klase, ay bibigyan ng 30 leave credits para sa isang buong taon. Samantalang ang mga na-appoint o na-hire apat na buwan matapos magsimula ang klase ay makakatanggap ng 45 vacation service credits.
Ang updated na policy ay nagbibigay-daan din sa mga guro na i-offset ang extra hours na inilaaan nila bukod sa kanilang expanded leave credits.
“Ang bagong guidelines ay sumasalamin sa commitment ng DepEd na tugunan ang mga nagbabagong pangangailangan ng mga guro at tiyaking tama ang kabayaran sa kanilang dagdag na trabaho, lalo na sa mga panahon ng summer o mahahabang bakasyon,” ayon sa DepEd sa isang pahayag noong Biyernes, Setyembre 27.
“Layunin din ng hakbang na ito na protektahan ang net take-home pay ng mga guro sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang pakikilahok sa mga DepEd-led activities sa national, regional, at division levels, kasama ang mga partners at stakeholders nito.”
Kada oras na ginugol sa labas ng regular na oras ng trabaho sa mga araw ng klase, makakakuha ang mga guro ng 1.25 oras ng leave credit. Mayroon din silang 1.25 oras na vacation service credits para sa bawat oras ng dagdag na teaching tasks kung hindi sila mababayaran ng overload pay.
Samantala, makakakuha ang mga guro ng 1.5 leave credits para sa bawat oras ng serbisyo na na-render nila tuwing Pasko, summer, weekend, at holidays.
Ang lahat ng karagdagang oras na ito ay dapat ma-dokumento upang makuha ang authorization mula sa Schools Division Superintendent. Kabilang sa mga kinakailangan para sa authorization ang pagsusumite ng signed CS Form 48, School Form 8, certification sa teaching overload, at isang certification ng insufficiency ng pondo para sa teaching overload.