Opisyal nang inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na 4,587 sa 7,113 examinees ang matagumpay na nakapasa sa Setyembre 2024 Licensure Examination for Social Workers. Isinagawa ang eksaminasyong ito ng Board for Social Workers sa mga pangunahing lugar tulad ng NCR, Baguio, Cebu, at Davao. Gayunpaman, pansamantalang hindi pa inilalabas ang resulta ng isang examinee habang hinihintay ang pagkumpleto ng isang natitirang subject.
Pinangasiwaan ng Board for Social Workers ang eksaminasyon, na pinamumunuan ni Hon. Lorna C. Gabad, kasama sina Hon. Rosetta G. Palma, Hon. Fe J. Sinsona, at Hon. Ely B. Acosta bilang mga kasapi ng board. Inilabas ang opisyal na resulta tatlong araw lamang matapos ang huling araw ng pagsusulit.
Simula Nobyembre 8, 2024, maaari nang magparehistro ang mga pumasa para sa kanilang Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration gamit ang online platform ng PRC. Para makumpleto ang proseso, kailangang dalhin ng mga magpaparehistro ang mga sumusunod:
Na-download at kumpletong Oath Form (Panunumpa ng Propesyonal)
Notice of Admission (para sa ID purposes lamang)
2 passport-sized photos (colored, white background, at may kumpletong name tag)
2 sets ng documentary stamps
1 short brown envelope
Tandaan na kailangang personal na magparehistro ang mga examinees at pumirma sa opisyal na Roster of Registered Professionals.
Makikita mo ang buong listahan ng mga pumasa dito: