Patuloy na pag-ulan ang bumayo sa ilang bahagi ng Quezon City mula Martes ng gabi hanggang Miyerkules ng umaga, na nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar ng lungsod.
Naulat ang pagbaha mula sa lalim ng kanal hanggang sa tuhod sa mga lugar ng Biak-na-bato, Quezon Avenue, NS Amoranto, at Maria Clara, bandang alas-4 ng umaga, habang ang pagbaha na umaabot sa tuhod ay pumigil sa mga sasakyan na makadaan sa Sto. Domingo, makalipas ang hatingabi.
Ang pagbaha sa mga nasabing lugar ay humupa na at maaari nang daanan ng lahat ng uri ng sasakyan.
Pinapayuhan ang mga apektadong residente na maging alerto para sa posibleng pagbaha, lalo na sa mga mabababang lugar.
Ang mga lungsod sa National Capital Region ay nagsuspinde na rin ng klase dahil sa hindi magandang panahon.
Naglabas ang PAGASA ng babala ukol sa malakas na pag-ulan noong alas-8 ng umaga, na nagbabala ng malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, at hilagang Occidental Mindoro. Patuloy na banta ang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar.