Itinanggi ng pulisya ng Caloocan nitong Biyernes ang mga usap-usapan tungkol sa isang umano'y serial killer sa lungsod, na kanilang tinawag na "fake news."
Sa isang post sa Facebook, sinabi ng Caloocan City Police Station, "Ang inyo pong Caloocan City Police Station ay kinokondena o pinasisinungalingan ang kumakalat na maling Balita sa social media na may gumagalang serial killer sa lungsod ng Caloocan."
Hinikayat din ng pulisya ang publiko na maging mapanuri laban sa mga walang basehang impormasyon sa social media na maaaring magdulot ng takot at kalituhan.
Dagdag pa nila, tinutugis na nila ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon habang pinapalakas ang presensya ng pulisya sa lungsod.