Isang 15-anyos na estudyante ang nalunod matapos tangayin ng malalakas na alon sa Naic, Cavite noong Huwebes. Ayon sa ulat, ang Grade 10 na biktima at anim na kaklase nito ay nagkayayaang tumakas sa klase upang mag-inuman sa dalampasigan sa Barangay Bucana.
Habang nag-iinuman, bigla silang hinarap ng malalaking alon. Bandang alas-3:30 ng hapon, iniulat na nawawala ang biktima, habang nakaligtas naman ang anim nitong kasama.
Agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang Philippine Coast Guard, ngunit hindi natagpuan ang biktima hanggang gabi. Kinabukasan, Biyernes ng umaga, natagpuan ang katawan ng biktima na palutang-lutang na sa dagat ng mga tauhan ng PCG at Bantay Dagat.