Dalawa ang nasawi at hindi bababa sa anim ang sugatan matapos ang isang drone attack ng Ukraine sa Russia noong gabi, ayon sa Moscow Defense Ministry.
Samantala, sinabi ng Ukrainian Air Force na kanilang napigilan ang mga Russian ballistic missile at drone attacks na ginawa rin nang gabi iyon.
Ayon sa Moscow, napabagsak nila ang 337 Ukrainian drones, kung saan 91 drones ang tumarget sa mismong Moscow.
Nangyari ang mga pag-atakeng ito bago ang nakatakdang pag-uusap ng mga kinatawan mula sa United States at Ukraine sa Saudi Arabia.